i love turon. bow.
Saturday, August 19th, 2006gusto ko ng turon, yung may langka, tapos yung saging overripe pero hindi naman yung lasang bulok. gusto ko yung bagong luto, pero hindi na sobrang init. tapos madaming asukal na natunaw sa wrapper, yung tipong nag-ooze na sa labas nung wrapper.
gusto kong bumubili ng turon sa may bandang KFC. dun kasi may tinda ring gulaman. yung tindahan sa tabi nun, gusto ko ring bumibili dun. may langka kasi lagi ang turon nila, at yung saging na gingamit nila, yung hinog na hinog. gusto ko ring bumibili ka Nanay, sa may hum steps. pag TTH, tuloy-tuloy ang klase kaya walang oras mag-lunch. bago pumunta sa 4pm class ko, bumibili ako kay Nanay ng turon, tas ayos na ko! gusto ko rin yung turon sa physci… malaki kasi.
sa Diliman, dinala ako ni Trin sa eng caf para matikman yung cheese truon. malaking turon yung sa kanila, tas may cheese na natunaw sa loob. sarap!
pangarap kong gawing business ang paggawa n turon. magtatayo ako ng shop na nagbebenta ng lahat ng klase ng turon - classic banana and langka turon, banana-peanut, choco-banana, banana-caramel, banana-cream, a la mode…
ako na ang kauna-unahang taong magiging millionnaire dahil sa turon!